W ikang Filipino ang tangkilikin dahil ito ang atin. Mahalaga na maintindihan nating mga Pilipino na hindi basehan ng pagiging edukado ang pagsasalita ng wikang Ingles. Sa kasalukuyang panahon, karaniwan sa ating mga kapwa Pilipino ay tumitingin sa kagalingan ng ibang tao sa pagsasalita ng wikang Ingles. Hindi natin maipagwawalang bahala na ang kahalagahan ng pagsasalita at pagsulat ng wikang Ingles, dahil itinuturing ito na lenggwahe ng globalisasyon. Ang ating pamahalaan mismo ang nagsasabi na mahalaga ang wikang Ingles upang tayo ay makasabay sa mundo. Bilang isang mamamayang Pilipino, nararapat lang na tayo ay magsalita o gumamit ng ating sariling wika. Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon, nais kong gumawa ng isang adbokasiya na may kinalaman sa pagtangkilik sa ating sariling wika. Sa mga paaralan, tanggapan, paliparan o kahit sa anumang lugar dapat magkaroon ng polisiya kung saan ang bawat isa ay kinakailangan magsalita lamang ng Filipino at lahat ng mga mahahalagang...